Navotas pinaunlakan ang bagong Tech-Voc graduates

Navotas pinaunlakan ang bagong Tech-Voc graduates

November 25, 2021 @ 5:34 PM 3 days ago


NAVOTAS- Ipinagmalaki ng Navotas ang nga bagong batch ng skilled workers, kasunod ng pagtatapos ng 79 na trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa 79, 33 ang nagtapos sa Basic Visual Graphics and Design; 16, Contact Center Services NC II; nine, Automotive NC I; 13, Electrical Installation and Maintenance; and eight, Basic Korean Language and Culture.

Isa sa nagtapos si Erwin T. Somook, na nagwagi ng gold award para sa Automobile Technology World Skills Competition kamakailan sa TESDA CaMaNaVa Regional Skills Competition 2021.

“We are proud of our graduates for their determination to learn new skills even during pandemic. Being skilled gives them better chances to gain employment or start their own business. Whatever they decide to do, we will support their endeavors,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang mga nagsipagtapos.na naghahanap ng hanapbuhay o nais magnegosyo ay maaaring dumulog sa NavotaAs Hanapbuhay Center.

Ibinalita naman ni Cong. John Rey Tiangco, na may.mga pondo mula sa national government para sa scholarships ng NAVOTAAS Institute trainees.

“We have secured more funds for the scholarship of our trainees. Now that the quarantine restrictions have been relaxed, we hope that more Navoteños will enroll in our tech-voc courses,” ani Cong. JRT.

Ang NAVOTAAS Institute ay nagbibigay ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program, na nagbibigay ng allowances at l kits sa mga trainees.

Ang mga taal na taga Navotas ay maaaring mag-!aral ng libre samantalang ang hindi taga lungsod ay maaaring mag enroll at kumuha ng assessment exams ng libre , depende sa kursong kukunin. R.A Marquez