Navotas swak sa DOH Hospital Star Awards!

Navotas swak sa DOH Hospital Star Awards!

December 1, 2022 @ 11:01 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muli nanamang nakasungkit at tumanggap ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa pangunguna ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng mga parangal at pagkilala mula sa Department of Health at Department of Social Welfare and Development.

Kinilala ang Navotas City Hospital sa 2022 DOH Hospital Star Awards, na top 15 Level 1 hospitals sa bansa at iginawad ng DOH ang parangal sa patuloy na pagsisikap sa kalidad ng healthcare services at best practices.

Dumaan sa masusing pagsusuri ang pagpili ng mga nanalo mula sa kanilang programa, aktibidad, inisyatibo sa safety and infection control, service provision, customer and employees satisfaction, community-based activities, quality improvements at paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nakuha rin ng Navotas ang Top 3 place sa Nutritional Status at Best in Good Practices sa tagumpay ng implementasyon ng 11th Cycle Supplementary Feeding Program ng DSWD na kung saan ang Navotas City Social Welfare and Development Office ang naglaan ng mga pagkain sa mga batang naka enroll sa child development centers (CDC).

Tumanggap ng akreditasyon ang 21 CDCs sa Navotas at mga guro at teacher aides sa DSWD at ang lungsod ay isa sa dalawang local government units sa National Capital Region na umani ng 100 percent accreditation sa Early Childhood Care and Development Center-Based Programs.

Samantala, tumanggap rin ang Navotas Bahay Pag-asa ng akreditasyon sa parehong ahensya kung saan ang Bahay Pag-asa kung saan pasilidad sa mga batang may kaso sa korte na naghihintay ng court decision bago ilipat sa ibang ahensya.

Nakuha ng isa sa residente ng Bahay Pag-asa ang third place sa spoken word poetry contest sa 11th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Celebration.

“These awards and recognitions should inspire us more to always improve and upgrade the quality of our services,” ani Mayor John Rey Tiangco. R.A Marquez