Navotas tech-voc grads tumanggap ng tool kits

Navotas tech-voc grads tumanggap ng tool kits

June 9, 2022 @ 12:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Navotas Congressman John Rey Tiangco kasama si Rolando Dela Torre District Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-CAMANAVA ang pamamahagi ng tool kits sa mga Navoteño tech-voc graduates sa lungsod ng Navotas.

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, kasama si TESDA-CAMANAVA District Director Rolando Dela Torre, ang pamamahagi ng tool kits sa 48 na mga graduates ng Bread Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ng Horizons Institute of Technology, partner TVET institute ng NAVOTAAS Institute. Kabilang sa ibinigay ang oven and baking tools tulad ng digital weighing scale, mixing bowl, at measuring cup at spoon. Ito ay sa ilalim ng Special Training for Employment Program. JOJO RABULAN

 

Nasa 48 na nakapasa sa Bread Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ang tumanggap ng oven and baking tools tulad ng digital weighing scale, mixing bowl, at measuring cup at spoon sa ilalim ng Special Training for Employment Program.

Ang tool kits ay nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa.

Ang mga benepisyaryo ay dumaan sa pagsasanay at nakapagtapos sa kurso noong December 2021 sa Horizons Institute of Technology, katuwang sa technical and vocational education and training (TVET) institute (TVI) ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

“Aside from the free courses offered at NAVOTAAS Institute, we teamed up with other tech-voc centers in neighboring cities so that Navoteños will have access to more courses and learning opportunities,” ani Tiangco.

“We hope that by providing them with quality skills training and scholarship benefits, including allowances and tool kits, they will be more eager to pursue their dream careers and businesses,” dagdag ni Mayor-elect John Rey Tiangco

Una rito, ang mga nagsipagtapos ay nakatanggap ng P2,600 halaga ng training support fund, internet at personal protective equipment allowance.

Kabilang sa dumalo sina Michael Caisip, Technical Education and Skills Development Specialist II of TESDA CAMANAVA, Leslie Borromeo at Heidi Ramos, Marketing Manager and Registrar of Horizons Institute of Technology.

Mula noong Enero ngayong taon 350 ang nagtapos sa NAVOTAAS Institute. R.A Marquez