Navotas tumanggap ng DILG award

Navotas tumanggap ng DILG award

March 19, 2022 @ 5:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tumanggap ng papuri at parangal ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas sa Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos ang agrisibong pagsugpo nito laban sa iligal na droga.

Tinanggap ni Navotas City Mayor Toby Tiangco at kapatid nitong si Congressman John Rey Tiangco ang plaque for the 2021 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award mula kay DILG-National Capital Region Regional Director Maria Lourdes Agustin at Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez.

“We thank our fellow Navoteños for actively participating in our anti-drug efforts, especially by reporting through TXT JRT any suspicious individuals or activities. Their support and cooperation have helped us prevent crimes and keep Navotas safe,” ani Mayor Tiangco.

Nakakuha ang lungsod ng Navotas ng 95 functionality points taong 2019 base sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit.

Ang Bidahan program na inilunsad ng Navotas ay community-based rehabilitation program kung saan ang mga gumamit ng ipinagbabawal na droga ay kailangan na dumaan sa anim na buwan na rehabilitation at counseling at 6 hanggang 18 buwan na aftercare.

Kamakailan, 29 na former drug users ang nakapagtapos sa six-month online at limited face to face counseling at aftercare program at umabot na sa 248 ang nakapagtapos sa Bidahan mula magsimula ito taong 2016.

Samantala, 11 sa 18 barangay sa lungsod ang idineklara na drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). R.A Marquez