Navotas walang naitalang bagong kaso nitong Lunes

Navotas walang naitalang bagong kaso nitong Lunes

June 1, 2021 @ 3:49 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Walang coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases ang Navotas City, araw ng Lunes makaraan ang tatlong buwan na walang patid na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tapusin ang paglaganap nito habang nakapagtala rin ang Navotas ng mataas na bilang ng mga gumaling.

Sa tala nitong May 30, 95.7% sa 10,353 kaso sa lungsod ang nakarekober sa pandemya. Ang lungsod ay binansagang “high-risk area” noong February ng kasalukuyang taon.

Naiugnay naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pagbaba ng kaso ng pandemya sa implementasyon ng mga ordinansa, polisiya kabilang ang quarantine band system, mandatory swabbing sa mga nahuhuling lumalabag sa mga safety protocols, community quarantine guidelines at sa regulated socio-economic activities.

“The initiatives that we implemented to further combat the spread of the virus and lessen the probability of transmission have only been effective because it was done with the help and cooperation of all stakeholders in the community”, ani Mayor Toby Tiangco.

“The ongoing vaccination program also played a big part in our efforts to reduce the numbers of active cases. This is why we highly encourage those who are aged 18 and above to register and participate in the NavoBakuna COVID-19 vaccination program”, dagdag pa ng alkalde.

Ang Navotas ay may pitong vaccination sites na.kayang bakunahan ang 2,898 na nakarehistro at walk-in vaccinees noong May 24, 2021. Ang mga miyembro ng pamilya ng frontliners sa ilalim.ng A1 priority group at overseas Filipino workers na paalis ng bansa sa loob ng apat na buwan ay hinihimok na dumaan sa walk-in vaccination sites ng lungsod.

Mula May 28, 33,553 , ang mga residente at mga manggagawa ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Samantala, 9,443 indibidwal naman ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna kung saan 809 ay frontliners, 3,564 ang mga senior citizens, at 5,070 ay persons with comorbidities. R.A Marquez