Navy vehicle binaril ng parak sa Palawan; 2 personnel sugatan — PNP

Navy vehicle binaril ng parak sa Palawan; 2 personnel sugatan — PNP

February 9, 2022 @ 5:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police na isang pulis ang namaril umano ng sasakyan ng Philippine Navay na siya namang ikinasugat ng dalawa sa Puerto Princesa City, Palawan noong Pebrero 7.

Kinilala naman ito ng PNP na si Corporal John Vincent Ugalde.

Sa ulat, lulan si Ugalde ng kanyang Black Toyota Wigo at binabaybay ang kahapaan ng North National Highway nang mag-over take umano ang multicab ng Philippine Navy.

Sinabi naman ng nagmamaneho na si Christian Bustillo, seaman apprentice, nakarinig siya ng sunod-sunod na busina galing kay Ugalde.

Sinundan din ito ng putok ng baril na tumama sa kanang bahagi ng gulong ng kanilang sinasakyan.

Bumaligtad naman ito nang mawalan ng kontrol na ikinasugat ng dalawa.

Sumuko rin si Ugalde sa Police Station 2 nh Puerto Princesa Police Office (PPCPO) at ibinigay ang kanyang armas na a-9mm Glock 17 na may ammunition.

Sasailalim din ito sa  ballistics examination at paraffin test sa PPCPO Forensic Unit.

Punto ni PNP Chief General Dionardo Carlos, nagsasagawa na ang Internal Service Affairs ng imbestigasyon sa insidente.

“The PNP is determined to find out the truth so necessary gathering of evidence is underway. We don’t tolerate rogue acts to flourish in the organization. Our Internal Service Affairs is also conducting an investigation as part of the standard procedure.”

RNT/FGDC