NAWALA ANG TIKAS NI WARDEN

NAWALA ANG TIKAS NI WARDEN

February 2, 2022 @ 7:55 PM 8 months ago


ANG promotion sa ating pamahalaan ay sadya yatang para lang marahil sa mga may among nasa kapangyarihan na ang isa sa patunay rito ang pagtatalaga sa pwesto ng isang opisyal na kamakailan lang ay nasangkot sa malaking bulilyasong sukdulang pinagbuwisan ng buhay ng tao.

Ito ang kwento sa loob ng bakuran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), partikular sa pagtatalaga ng jail warden sa isa sa pinakasensitibong pwesto sa Quezon City Jail.

Kamakailan lang po ay itinalaga bilang warden sa Quezon City Jail si Supt. Michelle Bonto, na sukdulang laktawan ang iba pang mga kwalipikado.

E, ang siste, bay, nanaig si Bonto hindi dahil sa ipinamalas niyang husay kundi  ang totoo, karamihan ng sinamahang operasyon puro lang sablay.

Bakit?

Paanong hindi mabubulilyaso, e, mayroong laglag-operasyon sa grupo.

Ito ang tinimbre sa atin ng ating impormante.

Marami siyang bulilyaso sa mga piitan kung saan siya nanungkulan.

At dahil sa salto ay palaging nalalaglag sa pwesto maging sa intel group kung saan siya dati kabilang, higit siyang kilala sa diskarteng laglag-trabaho lang.

Ang siste, sadyang matikas si Bonto, tikas na hiram sa impluwensyang kalakip ng pagiging malapit kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na umano’y nagbasbas para siya’y malagay sa pwesto.

Pati sa mga senador, kalakad din.

Aruy!

Sa isang ginawa nating pananaliksik, hindi kwalipikado para maging warden si Bonto.

Bakit?

Kulang siya sa qualification standards, walang schooling at kapo-promote pa lang niya!

Pero dahil “anak-anakan” daw siya ng Sekretaryo, “no problem!”

Tuloy ang pag-angat sa pwesto.

Nang aking rebisahin ang iba pang nominado sa nasungkit na pwesto ni Bonto, lumalabas na marami pang ibang higit na nararapat at may sapat na kwalipikasyon.

Heto ang nakatatawa, tsong, hindi rin pala siya masayang itinalagang warden sa Quezon City Jail dahil ang kanyang target ay maging Bureau of Jaiil Management and Penology regional director, bagay na possible lang kung nakuha niya ang puntiryang pwesto: ang pagiging warden ng Manila City Jail.

‘Yun naman pala eh…

Bakit hindi na lang siya magbitiw sa pwesto?

Isa lang ang tiyak  hindi siya kabawasan sa BJMP.

Dahil mas marami ang kwalipikado kaysa sa kanyang pinagtityagaang pwesto.

‘Yun ‘yun, bay..he..he..he…

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]