Nawalang FB page ni Ivana, naibalik na; business page, hindi pa!

Nawalang FB page ni Ivana, naibalik na; business page, hindi pa!

October 8, 2022 @ 10:53 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Last October 3 ay ipinost ni Ivana Alawi sa social media ang kanyang himutok sa aniya’y misteryosong pagkawala ng kanyang mga Facebook accounts.

Kabilang dito ay ang kanyang 19 million verified page at Ivana skin page.

Ani Ivana, basta na lang daw naglaho ang mga ‘yon nang walang abiso.

Ang pagkakaalam niya’y wala naman siyang nilalabag na regulasyon o alituntunin set by FB.

Kasbay nito’y umariba na naman sa panghihimasok si Xian Gaza na diskumpiyado sa emote ni Ivana.

Aniya ng Pambansang Marites, posible raw na mismong si Ivana ang nagtanggal ng mga ‘yon para makaiwas sa audit ng BIR.

But when told by another vlogger with similar experience with FB ay napagtanto ni Xian na mali ang hinala niya for which he apologized.

Good news dahil ilang araw lang since she posted her complaint nitong October 3 ay naibalik na kay Ivana ang kanyang 19 million verified page.

What she has yet to see retrieved ay ang kanyang business page na Ivana skin.

Hindi naman ibinahagi ng sexy actress ang dahilan sa likod ng disappearance ng mga accounts niya.

Mahalaga nga namang ma-enlighten ang mga vloggers like Ivana kung bakit nawala ang kanyang FB page. Ronnie Carrasco III