Nawawalang bise-alkalde, nakauwi na sa kanilang bahay

Nawawalang bise-alkalde, nakauwi na sa kanilang bahay

March 29, 2022 @ 1:45 PM 3 months ago


BUTUAN CITY – Ligtas na nakauwi sa kanilang tahanan si Tagbina, Surigao Del Sur Vice Mayor Antonio ‘Tony’ Adlao Martes ng madaling-araw matapos itong mawala noong Marso 25.

Ayon kay PMaj. Dorothy Tumulak, ng Police Regional Office (PRO-13), bandang 1:50 AM nakatanggap sila ng report mula sa concerned citizen na may humihingi ng tulong sa Purok-8, Kalingayan Barangay Consuelo, Bunawan, Agusan Del Sur.

Nagtungo naman ang grupo ng Bunawan Municipal Police Station sa nasabing lugar at nakita nila ang bise-alkalde at wala naman nakitang kahit anong sugat sa katawan nito.

Sa ngayon isasailalim sa debriefing si Adlao para alamin ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala.

Nakatutok naman ang pulisya sa mga lugar sa lalawigan na nasa hot spot sa tuwing election./Mary Anne Sapico