Nawawalang Cessna plane sa Bicol, natagpuan na – CAAP

Nawawalang Cessna plane sa Bicol, natagpuan na – CAAP

February 21, 2023 @ 5:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes na nahanap na ang nawawalang Cessna aircraft na naiulat na nawala sa Bicol nitong weekend.

Inihayag ng CAAP na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB), na bahagi ng search and rescue operations para sa paghahanap sa Cessna 340 aircraft (RP-C2080), “has positively identified the aircraft’s wreckage.”

“The wreckage site is located at the west side slope of Mayon Volcano at the elevation of 3500-4000 ft.,”  pahayag ng CAAP.

“The wreckage was identified using a high resolution camera.”

Subalit, hindi pa ntutukoy ang kondisyon ng crew at mga pasahero ng eroplano dahil hindi pa nakakarating ang mga miyembro ng rescue team sa eksaktong crash site dahil sa masamang panahon, base sa CAAP.

Sakay ng eroplano ang apat na indibidwal– ang piloto, isang crew member at dalawang pasahero.

Nauna nang inihayag ng CAAP na umalis ang Cessna 340 (Caravan) aircraft na may registry number RP-C2080 sa Bicol International Airport dakong alas-6:43 ng umaga nitong Sabado.

Huling na-contact ng air traffic controllers ang eroplano, alas-6:46 ng umaga, nang papalapit na ito sa Camalig Bypass Road sa altitude na 2,600 feet.

Nakatakda sanang dumating ang eoplano sa Manila pagsapit ng alas-7:53 ng umaga.

“The first three attempts yielded negative results and decided to return due to bad weather,” naunang pahayag ng CAAP.

“As of 01:15 p.m., the SAR team has once again departed for the mission, taking off at 01:09 p.m.,” sabi nito.

Sinabi ng CAAP na susubukan din ng team na gumamit ng ATV cars para makarating sa crash site kung magiging maganda ang panahon.

“A notice to airmen (NOTAM) (B0614/23) is in place advising flight operations to avoid flying close to the volcano’s summit as the volcano is on Alert Level 2 (increased unrest) and ash from any sudden eruption can be hazardous to aircraft,” base sa CAAP. RNT/SA