Nawawalang Cessna sa Isabela, nahanap na – PDRRMO

Nawawalang Cessna sa Isabela, nahanap na – PDRRMO

March 9, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Natagpuan na ang nawawalang Cessna aircraft sa Isabela, base sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Huwebes.

“The missing Cessna has just been found. The condition[s] of the passengers and pilot [are] still being verified. Details to follow,” mensahe ng PDRRMO.

Nitong Enero 24, tumulak ang Cessna C206 plane RPC 1174 patungong Cauayan Airport sa Isabela pasado alas-2:15 hapon papunta sa bayan ng Maconacon.

Sakay ng light aircraft ang isang piloto at limang pasahero.

Naitala ang huling komunikasyon ng piloto sa air traffic controllers dakong alas-2:19 ng hapon sa Naguilian.

Lalapag sana ang eroplano sa Maconacon ng alas-2:45 ng hapon.

Inihayag ng Isabela PDRRMO na maganda ang panahon nang lumipad ang eroplano patungong Cauayan Airport, subalit ang hangin sa Sierra Madre ay “turbulent.”

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Civil Aviation Authority of the Philippines
sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) hinggil sa iba pang detalye ng nasabing aircraft.

Sa ngayon ay tutungo na ang ground search operation sa sinasabing pinagbagsakan ng nasabing eroplano. Rey Velasco