Nawawalang Interpol chief, pinaiimbestigahan ng China

Nawawalang Interpol chief, pinaiimbestigahan ng China

October 8, 2018 @ 9:25 AM 4 years ago


 

Beijing, China – Pinaiimbestigahan ng mga awtoridad ng China si Meng Hongwei, pinuno ng Interpol, global law enforcement organization, kasunod ng ulat ng kaniyang pagkawala.

Si Meng, vice minister din ng public security sa China, ay iniulat ng kaniyang asawa na nawawala matapos itong umalis mula sa France, matatagpuan ang base ng Intertpol, papuntang China noong nakaraang buwan.

“Public Security Ministry Vice Minister Meng Hongwei is currently under investigation by the National Supervisory Commission for suspected violations of law,” ayon sa Chinese anti-graft body sa isang brief statement sa website.

Ang statement ay unang pahayag mula sa China simula noong maiulat ang pagkawala ni Meng sa France nitong Biyernes.

Nang tanungin tungkol sa anunsiyo ng Chinese nitong Linggo, sinabi ng Interior Ministry ng France na wala silang impormasyon tungkol dito.

Ayon sa ministry ng France nitong Biyernes, hindi makontak ng pamilya ni Meng ang Interpol chief simula pa noong September 25 at sinabing ang asawa nito ay nasa ilalim ng police protection matapos makatanggap ng mga pagbabanta.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis sa France ang naturang insidente na tinawag nilang, “worrying disappearance”./Remate News Team