Nawawalang listahan ng MILF forces itinanggi ni Galvez

Nawawalang listahan ng MILF forces itinanggi ni Galvez

November 17, 2022 @ 4:19 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinanggi ni Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. nitong Huwebes, Nobyembre 17 na may nawawalang listahan ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“We would like to set the record straight that it is inaccurate to claim or allege that there is a missing list of MILF forces,” pahayag ni Galvez.

“The list of decommissioned combatants is safely secured and maintained by the [Independent Decommissioning Body] and the [Department of Social Welfare and Development],” dagdag pa niya.

Ang tugon na ito ay makaraang supalpalin ni Leyte Representative Richard Gomez ang ahensya dahil sa nawawala umanong listahan ng MILF forces sa nagdaang pagdinig ng Kamara sa estado ng peace process sa Bangsamoro.

Matatandaan na sinabi ni Basilan Representative Mujiv Hataman na ang madugong sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at ng pwersa ng MILF noong Nobyembre 8 ay hindi mangyayari kung mayroon lamang listahan ng nasa 40,000 MILF combatants na sasailalim na sana sa decommissioning.

Ani Galvez, ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ay may kopya ng listahan ng decommissioned MILF combatants na inihanda ng IDB, isang third-party body.

Ayon sa OPAPRU, ang IDB ay binubuo ng mga eksperto mula Turkey, Norway, Brunei Darussalam, Japan, at mga eksperto mula sa Pilipinas.

“The processes, protocols and mechanisms established in the decommissioning program of the MILF forces were crafted under the peace agreement to ensure integrity, professionalism and level of trust and confidence in the process,” ani Galvez.

“It is a product of careful and several consultation processes with various stakeholders, taking into account the best practices from disarmament, demobilization and reintegration processes from other peace processes in other countries,” dagdag pa niya. RNT/JGC