Batangas – Bangkay na nang matagpuan ng mga search and rescue team kaninang umaga ang nawawalang mangingisda sa kasagsagan ng bagyong Henry sa karagatan ng Barangay Talisay, Calatagan, Batangas.
Ang biktima na naiulat na nawawala simula pa kahapon habang kasagsagan ng bagyong Henry makaraang pumalaot para mangisda ay hindi na nakauwi sa kanyang pamilya na kinilala ng pulisya na si Antonio Cudiamat Jr. y Lagrisola, naninirahan sa nabanggit na lalawigan.
Natagpuan ang naturang mangingisda ng dakong alas-7:45 kaninang umaga ng mga tauhan ng Calatagan PS rescue team at MDRRMO Calatagan, samantalang sasailalim sa mortem examination ang bangkay ng biktima sa pangunguna ni Dr. Robert Jhon Turno ng MHO Calatagan. (Ellen Apostol)