Nawawalang mangingisda sa Samal, nailigtas ng PCG

Nawawalang mangingisda sa Samal, nailigtas ng PCG

October 7, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) Station – Island Garden City, Samal (IGACOS) ang isang 80-taong gulang na lalaki na nauna nang iniulat na nawawalang mangingisda.

Katuwang ang PCG Auxiliary (PCGA) 802nd Squadron, nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation ang PCG para mahanap si Onopre Mangonga na residente ng Tagpopongan, IGACOS.

Ayon kay Mr. Mangonga, nasira ang makina ng kanyang bangka kaya’t tinangay siya ng alon at hindi na nakabalik kahapon, Oktubre 6.

Agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa kanyang pamilya para maihatid ito na natagpuan ngayong araw at maayos naman ang kalagayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden