Nawawalang PWD lumutang sa irigasyon

Nawawalang PWD lumutang sa irigasyon

August 30, 2022 @ 11:44 AM 1 month ago


SAN NICOLAS, Pangasinan β€” Patay na nang matagpuan ang isang person with disability (PWD) sa isang irigasyon sa sitio Alola sa Brgy. San Roque noong Linggo ng gabi, Agosto 28.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si Nicomedes Sabinay, alyas β€˜Nico,’ 29, residente ng Brgy. San Jose, San Nicolas.

Nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng San Nicolas Police nang i-report ng isang concerned citizen ang umano’y bangkay na lumulutang sa irigasyon.

Sinabi ng pulisya na ang bangkay ay namamaga at lumulutang na.

Ang bangkay ay kinilala ng kanyang ama na nagsabing siya ay nawawala mula noong Agosto 26, 2022.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung namatay ito dahil sa pagkalunod o may foul play. RNT