Nazareno 2023 guidelines alamin!
January 4, 2023 @ 10:42 AM
1 month ago
Views: 241
Remate Online2023-01-04T09:23:55+08:00
MANILA, Philippines – Inilabas na ng pamunuan ng Quiapo church ang ilang panuntunan para saas ligtas na pagdiriwang ng Nazareno 2023.
Ayon kay Nazareno 2023 adviser Alex Irasga, ang mga deboto ay hinihikayat na laging sumunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng facemasks,physical distancing, magdala ng hand sanitizer lalo na sa “Walk of Faith” sa Enero 8 at “Pagpupugay” sa Enero 7 hanggang 9.
“Those experiencing sore throat, continuous sneezing, coughs, colds, loose bowel movement, body temperature of higher than 37.5 degrees Celsius and blood pressure higher than 130/80 are discouraged from joining the activities,” ayon pa sa abiso.
Pinayuhan din ang publiko naagdala ng valid ID para sa pagkakilanlan sakaling may emergency.
Habang ang mga hindi pinapayagang dalhin ng mga deboto ay ang mga sumusunod:
-
Medium size hanggang life-size Nazareno images
-
Istandarte/banners
-
andas
-
Baril atdeadly weapons
-
Pyrotechnic devices
-
Drone camera
-
Professional camera at video recorder
-
Selfie Sticks
-
Malalaking Bags
-
Blankets, hampers, storage boxes
-
Portable appliances
-
LPG at stoves
-
Tents, tables, at iba pang icnic items
-
Payong
-
Alak at sigarilyo o vape
-
Laser pointers
-
matatalas
-
Scooters, skateboard, skates
-
Vehicles, motorcycle, o bicycles (maliban na lamang kong otorisado )
-
Plastic at glass bottles dahil dagdag basura
-
Food sticks
-
Alagang hayop
-
jackets
Bawal din ang “blackplastics” dahil kadalasan umano ay ginagamit ito ng mga terorista.
Pinapayagan naman ang mga deboto na magdala ng water canister sa halip na plastic bottle, snack,rosaryo, cellphone, registered VHF radio, maliliit na imahe na mas mababa sa 3 feet.
Maari rin magdala ng transparent raincoat/poncho, puwede magsapatos o tsinelas dahil wala nang magaganap na Traslacion para magtapak, wheelchair para sa mga PWD, light portable chair, flashlight, maliit na kandila, waist bag, malinaw na plastic garbage bag.
Bukod dito, ang mga awtorisadong indibidwal lamang ang pinapayagang magkaroon ng lahat ng uri ng command at emergency na sasakyan, sound system at bullhorn, UHF/VHF radio, satellite phone, tent, LED billboard, at pagkain para sa mga volunteers.
Ang mga deboto ay pinapayagang hawakan ang mga imahe ng Itim na Nazareno sa pagpupugay. Gayunpaman, hindi sila pinapayagang halikan ang mga imahe. Ang kaganapang ito ay gaganapin mula Enero 7 hanggang 9 sa Quirino Grandstand.
Samantala, magpapatupad Naman Ng liquor ban ang Manila LGU at class suspension sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Black Nazarene.
Magiging epektibo ang liquor ban mula Enero 7 hanggang 9 ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden
February 4, 2023 @4:12 PM
Views: 8
MANILA, Philippines- Tututukan ng Philippine central bank ang inflation sa halip na ang pinakabagong policy action ng Federal Reserve sa pulong nito sa Feb. 16 para suriin ang key interest rates,ayon sa pinuno nito ngayong Sabado.
“Next meeting will focus on inflationary expectations in PH, not the Fed’s 25 bps rate increase,” pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Inaasahang papalo ang Philippine inflation sa range na 7.5% hanggang 8.3% sa January, ayon sa central bank nitong Martes, kasunod ng 8.1% rate noong December, na itinuturing na 14-year high. Ipalalabas ng statistics agency ang inflation data sa Feb. 7. RNT/SA
February 4, 2023 @4:00 PM
Views: 8
SANTIAGO- Tinupok ng wildfires sa Chile 13 buhay at 14,000 ektarya (35,000 acres), ayonsa mga awtoridad nitong Biyernes, sa pag-iral ng summer heatwave sa bansa sa southern hemisphere.
Namatay ang 11 indibidwal, kabilang ang isang bumbero sa bayan ng Santa Juana sa Biobio, isang rehiyon na 310 milya (500 km) timog ng kapital na Santiago, ayon sa local authorities.
Naiulat din ng Minister of Agriculture ang pagbagsak ng emergency-support helicopter sa southern region ng La Araucania had crashed, na sanhi ng pagkamatay ng isang piloto at isang mekaniko.
Nagdeklara na ng states of catastrophe sa farming at forest areas ng Biobio at mga katabi nitong Nuble,.
Napinsala ang daang mga tahanan habang 39 sunog ang naitala sa bansa, ayon kay nterior Minister Carolina Toha.
“The conditions in the coming days are going to be risky,” pahayag ni Toha.
Sinabi niya na available ang ground equipment at tumutulong ang fleet ng 63 planes sa pagtupok sa apoy, at inaasahang magiging katuwang ang Brazil at Argentina.
Nagtungo si President Gabriel Boric nitong Biyernes sa Nuble at Biobio, na may pinagsamang populasyon na halos dalawang milyong katao.
“My role as president today is to ensure that all resources will be available for the emergency and so that people feel that they are not going to be alone,” ani Boric mula sa Biobio.
Binanggit din niya ang mga senyales na maaaring sinadya ang pagkalat ng sunog.
Lumikas ang ilang pamilya sa shelters, ayon sa Chilean disaster agency Senapred.
Batay sa weather forecasts nitong Biyernes, aabot sa 100 degrees Fahrenheit (38 Celsius) ang temperatura sa Chillan, kapital ng Nuble na sinabayan pa ng malakas na hangin na lalong nagpalala sa fire conditions. RNT/SA
February 4, 2023 @3:48 PM
Views: 20
MANILA, Philippines- Hindi mapigilan ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na ihayag ang kanyang pagkabahala hinggil sa anunsyo kamakailan ng Malacañang na inaprubahan nito ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO).
Para kay Guanzon, nanganganib mapuno ang opisina ng mga “kaibigan ng administrasyon”.
“They might pack this Office with incompetent cronies. Dami naka pila,” saad sa Twitter post ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner.
Subalit, hindi naman nagbanggit si Guanzon, ng pangalan ng itinuturing niyang “crony” ng kasalukuyang administrasyon.
Base sa Malacañang, pangangasiwaan ng WRMO ang water resources ng bansa.
Sinuportahan ni Guanzon ang presidential bid ni dating vice president Leni Robredo noong May 2022 national elections. Natalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan si Robredo. RNT/SA
February 4, 2023 @3:36 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Army (PA) ang posibilidad ng pagppaalawig ng relasyon sa United Kingdom, partikular sa land domain training and education, matapos ang pagbisita ng UK’s defense attaché to the Philippines, Group Captain Beatrix VH Walcot.
Sinabi ni PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad nitong Sabado na nagkita sina Walcot at Army vice commander Brig. Gen. Steve D. Crespillo sa kanyang introductory call sa PA headquarters sa Fort Bonifacio nitong Biyernes.
“Brig. Gen. Crespillo, who represented Army chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr., and Group Captain Walcot discussed forging closer security and defense ties between the two nations. The two leaders also tackled bolstering areas of collaboration in the land domain, such as military training and education,” paglalahad ni Trinidad.
Magugunitang nakatanggap ang team ng PA Scout Rangers ng Silver Medal citation sa pre-pandemic Exercise Cambrian Patrol (Ex CP) 2019 sa Wales, UK.
Kabilang sa Ex CP, itinuturing na “British Army’s premier patrolling event”, ang mission-focused at scenario-based exercises na naglalayon na palakasin ang kapabilidad ng participating units, base kay Trinidad.
Itinalaga ng British government kamakailan ang resident defense attaché to the Philippines na nakabase sa British Embassy in Manila mula sa nakaraang Brunei-based non-resident attaché.
Alinsundo ito sa 2021 Integrated Review of Foreign and Security Policy ng British government, na tumututok na ngayon sa Indo-Pacific region. RNT/SA
February 4, 2023 @3:30 PM
Views: 26
MANILA, Philippines- Sibuyas ang pambayad ng mga kustomer para sa piling items sa isang department store na nagbebenta ng Japan-made home products sa Panay, Quezon City, ngayong Sabado.
Pinapayagan ng Japan Home Centre, ang buyers na bumili ng tatlong items kapalit ng sibuyas, na gagamitin para sa kanilang community pantry. Danny Querubin