NBA All-Star Games inaabangan na

NBA All-Star Games inaabangan na

March 5, 2021 @ 11:31 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Nakakasa na ang NBA All-Star rosters para sa Team LeBron at Team Durant matapos mamili ang kapwa team captains na sina LeBron James at Kevin Durant ng kanilang starters at reserves ngayon Biyernes.

Si James ang unang kumuha sa draft at pinili nito si reigning back-to-back MVP Giannis Antetokounmpo habang si Durant ay kinuha ang teammate nitong Kyrie Irving.

Nagulat naman ang marami nang piliin ng Los Angeles Lakers star ang kanyang matagal ng karibal na si Stephen Curry para sa kanyang third overall pick.

Kinuha naman ni Durant si bigman at MVP frontrunner na si Joel Embiid para sa kanyang frontcourt dahil hindi siya makapaglalaro sa team dahil sa injury.

Isinama rin ni James sa team si international stars Luka Doncic at Nikola Jokic para buuin ang kanyang starters.

Pinili rin ni Durant sina 2019 Finals MVP Kawhi Leonard, Bradley Beal at Jayson Tatum.

Para sa reserves, ipinasok ni James sina Damian Lillard, Ben Simmons, Chris Paul, Domantas Sabonis at Rudy Gobert.

Para kay Durant naman, kinuha nito ang teammate na si James Harden, Devin Booker, Zion Williamson, Zach LaVine, Julius Randle, Nikola Vucevic at Donovan Mitchell.

Huling napili nina LeBron at Durant sina Gobert at Mitchell.

Nakatakda ang NBA All-Star Game sa March 7 (March 8, Manila time) sa pinaigsing All-Star weekend celebration para sa NBA dahil sa pandemic.

Sa halftime ng All-Star Game isasagawa ang All-Star Dunk Contest. Rico Navarro


  •  
  •  
  •