NBA fans dumami sa Brazil, Australia, Pilipinas

NBA fans dumami sa Brazil, Australia, Pilipinas

February 5, 2022 @ 5:13 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas ang viewership ng NBA sa Brazil, Australia at Pilipinas na bunga umano ng pagsisikap ng liga na pasikatin ang laro sa labas ng North America kung saan marami ring fans ang liga.

Maging sa bansa sa South America ay nakakita rin ng pagtaas sa mga subscription sa NBA League Pass, pagbebenta ng jersey at pakikipag-ugnayan sa social media.

Nakakita ang Australia ng 35% na mas malaking average na audience kumpara noong nakaraang season, kabilang ang 27% na pagtaas sa viewership noong Christmas day sa mga laro ng NBA.

Itinampok sa opening night roster ng liga ang walong manlalaro ng Australia kabilang ang beteranong guwardiya na si Patty Mills at rising star na si Josh Giddey, na nagtutulak ng interes sa kanilang sariling bansa.

Nasiyahan din ang NBA sa paglaki ng viewership at sa social media sa Pilipinas.

Ang Facebook page ng NBA ay mayroong mahigit 8.5 million followers mula sa Pilipinas, ang No. 1 na bansa sa labas ng United States.

“Kami ay labis na nalulugod sa paglaki ng mga manonood at pagkonsumo na nararanasan namin ngayong season sa ilang mga internasyonal na merkado, kabilang ang Australia, Brazil at Pilipinas, na lahat ay may lubos na masigasig na mga NBA fan base,” ani Matt Brabants, opisyal ng NBA.

“Patuloy na lumalago ang kasikatan ng NBA sa buong mundo, at habang papunta kami sa NBA All-Star 2022 at umiinit ang playoff race, inaasahan naming magpapatuloy ang trend na ito sa mga merkado sa buong mundo.”

Gaganapin ang NBA All-Star game sa Peb. 20 sa Cleveland at ang playoffs ay magtatapos sa Abril 16.JC