NBA Players exempted sa COVID-19 vaccine

NBA Players exempted sa COVID-19 vaccine

September 15, 2021 @ 9:06 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Exempted umano ang NBA players kung ayaw nilang magpaturok ng COVID-19 vaccine pero inatasan ng liga na ang lahat ng referee at staff ay dapat vaccinated.

Patuloy ang negosasyon ng NBA at NBPA para sa iba pang COVID-19 protocols para sa paparating na season, pero naglagay ang liga ng mahigpit na protocols para sa hindi pa vaccinated na manlalaro.

Ang ilang protocols na hindi pa napagkakasunduan ay ang pagkain at pagtravel ng hiwalay ang vaccinated at non vaccinated teammates bukod pa sa ihihiwalay ng locker room ang wala pang COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, tinatayang may 85 percent na ang manlalaro nabigyan na ng vaccine, ayon sa liga.

Inabisuhan din ng liga ang mga team na ang personnel na nagtatrabaho na malapit ng 15 feet sa players o opisyal ng games ay kinakailangan vaccinated na sa Oct. 1.

Pinapayagan na rin ang NBA coaches na magsuot ng casual dress sa 2021-22 season, base sa ulat ng source.

Matatandaang ni-require ng liga ang mga coach na magsuot ng suits na may collared shirts noong 2010 hanggang sa simula ng bubble nitong 2020.JC


  •  
  •  
  •