Caregivers welfare act, umarangkada sa Senado

March 23, 2023 @9:23 AM
Views: 6
MANILA, Philippines – Umarangkada na sa plenaryo ng Senado ang panukalang magbibigay ng proteksyon sa mga karapatan ng mga nasa caregiving industry sa bansa, sa ilalim ng Caregivers’ Welfare Act.
Sa sponsorship speech, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, na sakop ng kanyang panukala ang lahat ng mga nasa healthcare profession, kabilang ang mga lisensyadong professional health care providers, mga nagtapos ng caregiving courses at kahalintulad na kurso, maging ang mga nasertipikahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may kaugnayan sa propesyong ito.
Sa consolidated version ng naturang panukala, nagbibigay ito ng gabay sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga proteksyon sa mga caregiver, katulad ng pagpapatupad ng employment contract, pagpapasa ng mga pre-employment requirements, non-diminution of benefits, proteksyon sa hindi makatarungang pagtanggal sa serbisyo, proteksyon sa mga namamasukan sa mga pribadong employment agencies, settlement of disputes, at paglilinaw ng mga tungkulin ng mga caregivers.
Maliban dito, inilalatag din sa panukala ang mga pangunahing pangangailangan na dapat ibigay ng mga employer sa mga empleyado nito.
Bilang tugon naman sa Labor Code, ang mga caregiver na magtatrabaho ng lampas sa minimum na walong oras ng kanilang trabaho ay bibigyan ng overtime pay.
Ayon kay Estrada, nakasaad din sa panukalang batas na dapat magbigay ng 13th-month pay sa mga ito at magkaroon ng annual service incentive leave na hindi bababa sa limang araw na may bayad.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng mga benepisyo katulad ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.
“We are already aware that there is a constant demand of Filipino caregivers abroad dahil mahusay, magalang, mapagmahal, mapagmalasakit ang alagang Pinoy… Panahon na pong pangalagaan ang ating mga tagapangalaga at maprotektahan ang sektor ng ating mga caregivers,” pagtatapos ni Estrada. RNT/JGC
Magandang panahon, kalmadong dagat makatutulong sa oil spill cleanup – UP-MSI

March 23, 2023 @9:10 AM
Views: 8
MANILA, Philippines – Nagsisilbing “window opportunity” ngayon ang magandang panahon at kalmadong dagat para sa mas mabilisan at mas madaling paglilinis ng oil spill sa dagat na sakop ng Mindoro.
Sa pahayag ng mga eksperto mula sa UP Marine Science Institute nitong Miyerkules, Marso 22, sinabi nito na sa datos mula sa US National Oceanographic and Atmospheric Administration nitong martes ay makikita ang posibleng mga langis na namuo bilang “slick” at may lawak na 37.84-square-kilometer, o mas malaki pa sa Las Pinas.
“Weaker winds and calmer seas allow for larger oil slicks to form because of less disturbance from waves,” ayon sa mga eksperto.
Anila, ang namuong langis at maayos na panahon “may be a boon to the cleanup efforts.”
“Calmer seas and larger slicks should be taken as an opportunity to collect the oil in slicks near the sunken tanker using booms and skimmers and ramp up cleanup efforts to prevent the oil from spreading further,” dagdag pa nila.
Sa impormasyon ng Philippine Coast Guard, nakakolekta na sila ng nasa 7,000 litro ng oily water mixture mula sa mga apektadong lugar. RNT/JGC
Cagayan sapul sa M-5.7 na lindol – PHIVOLCS

March 23, 2023 @8:57 AM
Views: 13
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Calayan, Cagayan nitong Huwebes ng umaga, Marso 23.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol kanluran ng Dalupiri Island bandang 7:32 ng umaga.
May lalim itong 43 kilometro at tectonic in origin.
Samantala, naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Pasuquin, Ilocos Norte; San Antonio, Zambales
Intensity II – Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela;
Intensity I – Penablanca and Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Santol, La Union
Ayon naman sa PHIVOLCS, walang inaasahang matinding pinsala dulot ng lindol bagama’t posible pa ang mga aftershock. RNT/JGC
1 sa 4 na Pinoy, nagsa-Salah limang beses isang araw – SWS

March 23, 2023 @8:44 AM
Views: 15
MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) na isa sa apat na Filipinong Muslim ang nananalangin ng Salah limang beses isang araw.
Sa National Survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022, tinanong ang mga Muslim respondents kung ilang beses silang nananalangin ng Salah, o panalangin na isinasagawa ng mga Muslim limang beses kada araw o ayon sa itinakdang dami.
Lumabas sa resulta na 26% ng mga Filipino Muslims ang nananalangin ng Salah limang beses kada araw, 32% naman ang “few times daily”, 38% “sometimes” at 3% ang tuwing Ramadan lang, habang 2% ang nagsabing mahigit isang taon na ang nakalilipas nang sila ay huling mag-Salah.
Patungkol naman sa pagdalo sa religious service, 71% ng mga Muslim ang nagsabing dumadalo sila ng religious service isang beses sa isang linggo o mahigit sa isang beses, 9% ang nagsabing dalawa o higit pang beses kada buwan, 6% ang nagsabing isang beses isang linggo, 1% ang nagsabing dalawa hanggang 11 beses sa isang taon, 7% ang nagsabing isang beses isang taon at 3% ang nagsabing hindi kailanman.
Samantala, 96% ng mga Muslim ang nagsabing personal silang nagtungo sa mga lugar sambahan sa nakalipas na tatlong buwan at 3% ang nagsabing hindi sila nakadalo sa anumang religious service.
Ang naturang survey ay idinaos sa pamamagitan ng face-to-face interview kasama ang 1,200 adults edad 18 pataas sa buong bansa.
Nasa 6% ng mga respondents nito ay Muslim, ayon sa SWS. RNT/JGC
Mandatory ROTC bill, umakyat na sa plenaryo ng Senado

March 23, 2023 @8:31 AM
Views: 25