NBA star Dwight Howard lilipat sa wrestling

NBA star Dwight Howard lilipat sa wrestling

July 31, 2022 @ 10:22 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bukod sa boksing, isa rin ang mixed martial arts sa mga sports na pwedeng lipatan ng mga atleta, gaya mga basketbolista na pwedeng sumabak sa pro wrestling.

Gusto ng NBA veteran na si Dwight Howard na mapabilang sa WWE kung wala siya sa isang NBA team sa darating na season.

Kasalukuyang nasa free agency, wala pang palatandaan na may koponan na gustong kumuha ng kanyang serbisyo.

Si Howard, isang 8x NBA All-Star, 3x NBA Defensive Player of the Year at 5x All-NBA First Team, ay kasalukuyang 36 at nakitang humina na ang kalidad ng laro nitong mga nakaraang taon.

Nilinaw niya kahit na ang kanyang unang priyoridad ay ang maglaro pa rin sa liga at isasaalang-alang ang WWE kung maiiwan sa 2022-23 season.

Lumahok si Howard sa WWE tryout at maaaring maging malaking tulong sa palabas dahil sa kanyang pangangatawan at nakakaaliw na ugali.JC