NBA: Warriors’ Draymond Green suspendido ng 1 game

NBA: Warriors’ Draymond Green suspendido ng 1 game

March 17, 2023 @ 2:45 PM 7 days ago


NEW YORK – Sinuspinde ng isang lareo ang forward ng Golden State Warriors na si Draymond Green na walang bayad ng NBA matapos makuha ang kanyang ika-16 na technical foul ng season.

Si Green, isang four-time NBA champion sa Warriors, ay nakatanggap ng kanyang pinakabagong technical foul may 40 segundo ang nalalabi sa ikalawang quarter ng 134-126 road loss ng Golden State sa Los Angeles Clippers noong Miyerkules.

Sa ilalim ng mga panuntunan ng NBA, ang manlalaro o coach na nakatanggap ng ika-16 na technical foul sa regular season ay awtomatikong suspendido ng isang laro.

Sa bawat dalawang karagdagang technical fouls na nagawa sa natitirang season, otomatikong masususpinde muli ng isa laro si Green.

Si Green, isang 33-taong-gulang na Amerikano na kilala sa pisikal na paglalaro at walang pigil sa pagsasalita sa loob at labas ng court, ay magsisilbi sa kanyang suspensiyo sa pagbisita ng defending NBA champion Warriors sa Atlanta ngayong Sabado.

Sa kanyang ika-11 season sa NBA, lahat ay ginugol sa Golden State, si Green ay may average na 8.3 puntos, 7.3 rebounds at 6.8 assists bawat paligsahan.

Ang Warriors ay 36-34 ngayong season para ika-anim sa ranggo sa Western Conference.JC