NBI: 2 Chinese national hinatulan ng reclusion perpetua sa KFR

NBI: 2 Chinese national hinatulan ng reclusion perpetua sa KFR

December 21, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Napatunayang “guilty” ng Paranaque Regional City Trial Court ang dalawang Chinese national sa kasong Kidnapping for Ransom.

Ayon sa National Bureau of Investigation(NBI), ang akusadong sina
Zhihua Liu at Yuqiong Zhu ay naaresto ng mga operatiba ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) noong December 13, 2020 sa Nuwa Hotel, City of Dreams, Paranaque City, matapos biktimahin ang kanilang kaibigan na si Zheng Xibing na iniulat na dinukot ng mga akusado.

Pinagtibay ng prosekusyon ang pagkakaroon ng lahat ng elemento ng Kidnapping for Ransom, dahil ang akusado ay nagsabwatan at dinukot si Xibing saka ikinulong sa loob ng kwarto sa naturang hotel para sa layunin na makapanghingi ng ransom na RMB 136,000 o katumbas ng P1 milyon.

Nagbigay ng hatol ang korte sa mga akusado ng reclusion perpetua o life imprisonment nang walang karapatan para sa parole. Jocelyn Tabangcura-Domenden