NBI clearance system, “temporary unavailable”

NBI clearance system, “temporary unavailable”

July 5, 2022 @ 4:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-abiso sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa mga kukuha ng kanilang mga clearance sa NBI Main office sa kahabaan ng U.N Avenue sa Maynila.

Sa public advisory ng NBI, sinabi na pansamantalang hindi available ang NBI clearance system sa nasabing tanggapan sa Maynila.

Pinayuhan naman ang publiko na magtungo na lamang sa pinakamalapit na satellite offices para sa kanilang transaksyon.

Para naman sa releasing at online renewal, ang pick-up ay sa loob ng 24 oras ngunit kailangan hintayin muna ang abiso ng NBI.

Humingi naman ng pang-unawa ang ahensya sa ‘inconvenience’ na dulot nito.

Hindi naman binanggit ng NBI kung bakit temporary unavailable ang kanilang clearance system. Jocelyn Tabangcura-Domenden