NBI nagbabala vs ‘love scam’

NBI nagbabala vs ‘love scam’

February 16, 2022 @ 1:33 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang cybercrime expert ng National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko laban sa tinatawag na ‘love scams’ kung saan nahihingan ng pera ng pinaniniwalaang umiibig sa kanila.

Ayon kay National Bureau of Investigation’s Cybercrime Division chief Vic Lorenzo, ang nasabing mga scammer ay nagpo-profile ng kanilang mga biktima bago makipag-ugnayan, at madalas itong nangyayari sa mga social media site at maging sa mga dating app.

“Unang-una, huwag tayong maexcite kung may nagcommunicate sa atin ng ganyan [First, don’t get too excited when people communicate with you that way], and try to leverage on the power of the internet,” sabi ni Lorenzo sa CNN Philippines nitong Martes.

“Idownload yung profile picture nila and iGoogle image search niyo. Kasi definitely…dinownload lang yon. Kapag nanghingi ng pera, hindi na totoo. Hindi na pagmamahal yun, scam na agad yun,” dagdag nito

Sinabi ni Lorenzo na tumaas ang kaso ng love scams sa panahon ng pandemya dahil lahat ay online at karamihan ng mga salarin ay Filipino.

“Nakikita namin, ang love scam na formulate ng mga Nigerian scammer. Tapos natutunan na rin siguro ng mga Filipino scammer, ayun na…may Filipino na rin na nagcoconduct ng mga love scam,” ayon pa kay Lorenzo

“Magpo-profess muna ng love tapos magdadrama na yan. On their way to the Philippines, na-trouble sila na nawalan sila ng pera, manghihingi na ng pera yon,” anang cybercrime chief.

Dagdag pa ni Lorenzo na ang maari ring sabihin ng scammers na ang family member ay may sakit at ang mga kuwentong ito ay palaging may kasamang pakiramdam ng pagkaapurahan – lahat ng ito ay nilayon upang makakuha ng pera mula sa biktima. Sinabi ni Lorenzo na isang insidente ang nagresulta sa isang biktima na nawalan ng ₱17 milyon.

Hinikayat naman ni Lorenzo ang publiko na ipagbigay alam sa awtoridad kung sila ay biktima upang malaman kung anong hakbang ang dapat nilang gagawin upang maiwasan na lumawak pa ang love scam.

“Secondary yung recovery ng money, kung naka sakaling marecover at third yung identification then prosecution ng love scammer,” ani Lorenzo. Jocelyn Tabangcura-Domenden