NBI RIGODON MARAMI NASIBAK

NBI RIGODON MARAMI NASIBAK

August 29, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


NAGKAROON kamakailan ng isang malawakang reorganization sa hanay ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation dahil sa umano’y umiiral na palakasan system.

Sa naganap na rigodon, may mga naalis puwesto ngunit parang mas binuwenas pa dahil sa napunta sa mas malawak na area of jurisdiction ngunit kung may binuwenasay meron din namang minalas.

Ops teka bayan, bago natin na pag-usapan ang mga hindi sinuwerte, kilalanin muna natin ang bagong NBI Director na si Medardo De Lemos na siyang nagbigay ng posisiyon kina  Antonio Pagatpat bilang Deputy Director for Administration; Jose Justo Yap, officer-in-charge ng Office of the Deputy Director for Operations; Jose Doloiras, assistant director for Investigation Service; Roel Bolivar, officer-in-charge, Office of the Assistant Director for Intelligence Service; Dr. Rommel Papa, officer-in-charge, Office ng Assistant Director for Forensic and Scientific Research Service;  Vicente De Guzman III, Assistant Director for Comptroller Service; Atty. Leo Edwin Leuterio, assistant director for Human Resource and Management Service; Atty. Rustico Vigilia, officer-in-charge, Office of the Assistant Director for Legal Service; Victor Lorenzo, officer-in-charge, Office of the Assistant Director for Information and Communications Technology Service at   Rommel Vallejo, acting regional director – National Capital Region.

May mga nailagay din sa mga rehiyon at isa na nga ang pinalad ay ang kaibigan ng lahat, lalo na ng media na si Deputy Director Ferdinand Lavin,dahil kahit natutulog e, sumasagot sa mga tanong at tawag ng mamamahayag.

Paliwanag ni De Lemos, kailangan ang reshuffle para mapanindigan ng ahensiya  ang motto nito na Nobility, Bravery, Integrity.

Alam n’yo, mataas ang expectations ng sambayanan sa NBI, kapag sinabi kasing NBI, pumapasok sa isip  ng tao na ang mga hawak na kaso at nalulutas na krimen ay yaon talagang malalalim, mabibigat at mga bigtimer ang sangkot.  Hindi sugalan, o bahay aliwan, sa palengke at tabi-tabi lang.

Pero lately, napansin natin na masyadong mababaw na ang hinahawakang kaso ng bureau, pati ba naman pipitsuging estafa na sa presinto at barangay lang e malulutas na pinapatulan pa.

Opsss teka,ano na ba nangyari sa dating opisyal ng bureau na naka-floating status na?

Mukhang malaki ang naging kasalanan ng ale,hindi na nakabalik o hindi na ibinalik? Ang balita natin sa ilang mga kaibigan e magikero raw(kung anoman ang kahulugan ninyo ay hindi ko alam),he..he..he..he,

Pero pssstttt… teka mukha yatang hindi umubra ang magic niya sa matatalas na pangil ng bagong administrasyon. Buking? mukhang andami palang ginawang kawalanghiyaan nito noong nasa puwesto pa.Ibig sabihin ang daming inapi…

PASUGALAN SA CAVITE TULOY-TULOY NA NAMAN

Pakisilip nga  itong nagsusulputang mga iligal na pasugalan sa Queensrow sa Niogan,Bacoor ,Cavite na kung saan ay palaging pinapasyalan ng mga kapulisan hindi para huliin ang nasabing pasugalan kundi ang kotongan ito.

Tila walang aksyon o ginagawa si Bacoor Mayor  Strike Revilla laban sa naglipanang mga iligal na pasugalan sa kanyang lalawigan.

Mayor  Revilla pakisilip naman . Baka kasi nasa tungki na ng ilong mo, hindi mo pa nakikita………..

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]