NBI tutulong sa imbestigasyon sa ‘Comelec data breach’

NBI tutulong sa imbestigasyon sa ‘Comelec data breach’

January 11, 2022 @ 6:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Handa ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malawakang imbestigasyon ukol sa umano’y hacking incident sa Commission on Elections (Comelec) servers, ayon kay Justice Secretary Menardo I. Guevarra nitong Martes.

“We’ll let the Comelec finish its own internal probe. If a wider investigation is found necessary and NBI assistance would be useful, we’d gladly oblige,” pagbibigay-diin ni Guevarra.

Batay sa ulat ng Technews team ng Manila Bulletin, nakapag-download ang grupo ng hackers ng mahigit 60 gigabytes ng data.

Kabilang dito ang usernames at PINS ng vote-counting machines (VCM).

Agad naman itong ipinagbigay-alam ng Technews team ng MB kay Comelec Spokesperson James Jimenez. RNT/SA