NBP riot, pagpuga ng mga preso tatalupan na ng NBI

NBP riot, pagpuga ng mga preso tatalupan na ng NBI

January 24, 2022 @ 6:51 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Inatasan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang grupo na talupan ang naganap na riot sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Enero 17.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand M. Lavin, ibinigay ang imbestigasyon sa  NBI’s Special Action Unit (NBI-SAU).

“We are awaiting the submission of CCTV (closed circuit television camera) footage and the statement taking of the guards on and off duty.”

Sinabi pa ni Lavin na wala pang schedule sa statement taking habang hinihintay pa ang listahan ng pangalan ng security guard na iisyuhan ng subpoenas.

Last Jan. 17 immediately after the escape of the four prisoners from the maximum-security compound of the NBP,

Maaalalang inatasan ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra ang NBI para sa imbestigasyon.

“I will also recommend to the Office of the President that disciplinary action be taken against BuCor (Bureau of Correction) officials who may be found guilty of gross neglect of duty,” atas ni Guevarra.