NCAA champ Letran hahaharapin ang St. Clare sa PBA D-League

NCAA champ Letran hahaharapin ang St. Clare sa PBA D-League

July 6, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makahaharap ng NCAA champions Colegio de San Juan de Letran Knights ang NAASCU champions St. Clare College sa pagpapatuloy ng PBA D-League ngayon Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

Ang season 97 rookie MVP na si Rhenz Abando, kasama sina Fran Yu, Louie Sangalang, Ira Bataller, Tommy Olivario, at Pao Javillonar ay mangunguna sa Wangs-Letran team, sa ilalim pa rin ng timon ng champion coach na si Bonnie Tan.

Bukod sa Letran-St. Clare clash, ang CEU Scorpions at AMA Online teams ay maglalaro sa 12:30 match para tapusin ang araw ng pagbubukas ng liga.

Samantala, ang Marinerong Pilipino, na ang core ay binubuo ng mga manlalaro mula sa NCAA runner-ups Mapua University, ay magkakaroon din ng mga dating import ng Japan B.League na sina Juan Gomez de Liaño at Kemark Cariño. Naglaro ang dalawa para sa Division 2 team sa B.League noong nakaraang season.

Ang iba pang mga koponan na maglalaro sa liga ay kinabibilangan ng EcoOil-La Salle, Builders Warehouse-UST, at Apex Fuel-San Sebastian.RICO NAVARRO