NCAA nakahanap ng bagong tahanan

NCAA nakahanap ng bagong tahanan

November 21, 2020 @ 10:39 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Philippine media giant GMA Network na sila ang napiling bagong tahanan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang unang athletic league ng Pilipinas, para sa Season 96 hanggang 101 (2020-2026).

Ang kasunduan, tatagal ng five and a half years kasama ang centennial year ng NCAA sa 2024, ang magbibigay karapatan sa network na I-broadcast ang major sports ng liga na basketball, volleyball, swimming at athletics.

Pwede nang panoorin ng fans ng NCAA ang games sa GMA News TV at via online streaming ng GMANetwork.com habang ang Men’s Basketball Finals ay ieere sa Kapuso Network’s main channel, GMA-7.  Sa viewers abroad, pwede nilang mapanood ang aksyon via GMA Pinoy TV.

“We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA. At the same time, we are grateful to the NCAA board for putting their trust in GMA to serve as a platform in showcasing the talented Filipino student athletes,” ani GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...