NCAP ipinatigil ng SC

NCAP ipinatigil ng SC

August 30, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa isinagawang En Banc session nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte laban sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon sa SC habang dinidinig ang petisyon ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc. [KAPIT] at isa pang petitioner, inatasan ng korte ang mga kaukulang ahensya na itigil muna ang implementasyon ng NCAP.

Mananatili ang tro hanggat hindi inaalis ng Korte Suprema.

Inatasan rin ng korte ang Land Transportation Office na agad ipagbigay-alam sa mga lokal na pamahalaan upang ipabatid sa lahat ng motorista ang naging kautusan ng korte.

Itinakda ng korte ang pagdaraos ng oral arguments hinggil sa kaso sa Enero 24, 2023. Teresa Tavares