NCAP ng LGUS pinaiimbestigahan sa Kamara

NCAP ng LGUS pinaiimbestigahan sa Kamara

August 17, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang panukala na humihiling na imbestigahan ang kontrobersiyal na no contact apprehension policy(NCAP) na ipinatutupad sa 5 siyudad sa Metro Manila ang inihain sa Kamara.

Sa House Resolution No 237 ni Quezon City Rep. Marvin Rillo iginiit nito na dumarami ang mga motoristang nagrereklamo sa walang batayang huli ng NCAP kaya naman umaasa ito na tutukan ng House committees on local government, Metro Manila development at transportation ang isyu.

Ang NCAP policy ay ipinatutupad sa Parañaque, Manila, Quezon City, San Juan at Valenzuela, sa ilalim nito ang mga motorista ay pinapatawan ng multa base sa traffic violaion na nakuha sa kanilang closed circuit television cameras.

Bagama’t maganda ang intensyon ng NCAP ay hindi naman ito perpekto dahil maraming motorista ang ilang beses na napagmumulta sa parehas na violation.

“Drivers, motorists, public utilities and/or private vehicles in Metro Manila are currently bound to paying alleged multiple and/ or excessive fines and heavy penalties; and inefficiencies and defects, in both the policies and means and/ or grounds for violation of traffic laws, rules, and regulations, as well as the delivery of notices of these violations,” ayon kay Rillo.

Sinabini Rillo na habang pinaguusapan ang isyu ng LGUS at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay dapat suspendihin din muna ang pagpaptupad ng NCAP.

Sa isang privelege speech ay matatandaang kinuwestiyon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang legalidad ng NCAP, aniya, ang multa sa paglabag ay pawang sobra sobra na paglabag na sa Section 19, Article 3 ng Saligang Batas.

“No law had been passed barring people from registering their vehicles due to unpaid fines for traffic violations and the NCAP system violates the due process provisions of the Constitution because the seven-day deadline for an alleged traffic violator’s response or contest is short,” pagtatapos pa ni Barbers. Gail Mendoza