NCAP SA PUBLIC TRANSPORT SUSUSPENDIHIN NG MMDA

NCAP SA PUBLIC TRANSPORT SUSUSPENDIHIN NG MMDA

August 24, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


HINILING ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Metropolitan Manila Development Authority na suspendihin muna ang ‘no contact apprehension program’ sa mga public transport  upang matugunan ng mga operator ang pangangailangan ng mga pasahero sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang MMDA at kaagad na pumayag. Subalit ang limang alkalde na ang mga lungsod ay nagpapatupad ng NCAP  ay walang ‘say’ sa kahilingan.

Nauna na kasi ang pahayag nila na wala silang balak ipasuspinde ang kanilang panghuhuli kahit isang katutak na ang reklamo sa pagpapatupad ng kanilang NCAP.

Malaking tulong ang ginawa ng LTFRB, DOTr at MMDA.  Dama nila ang kalbaryo ng public transport at mga pasahero. Sana ay sumunod ang limang NCAP mayors sa desisyon ng MMDA.

Marahil ay mainam na rin na pumasok ang Department of Interior and Local Governmen sa usapin at kumbinsihin ang  NCAP mayors na tularan ang ginawa ng MMDA.   Kailangan ng ganitong klaseng suporta ng public transport sa panahong ito na “balik eskwela” na ang libu-libong mag-aaral.  Aabangan natin ang NCAP mayors sa kanilang tugon kaugnay sa usapin.

Sa ngayon ay nagpapasalamat ang Lawyers for Commuters Safety and Protection  sa pamunuan ng DOTr, LTFRB at MMDA sa kanilang makatwirang desisyon.

================

Atty. Ariel Inton

President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09178174748