NCMF chief, 2 pa tatalupan ng Comelec sa election ban sa appointment

NCMF chief, 2 pa tatalupan ng Comelec sa election ban sa appointment

April 28, 2022 @ 7:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang kaduda-dudang bagong appointment at “personnel movements” sa loob ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) dahil nilabag umano ng mga hakbang ang mga patakaran nito sa appointment.

Sinabi ng Comelec law department nitong Miyerkoles na nakatanggap sila ng reklamo laban kay NCMF Secretary Guiling Mamondiong matapos umano itong lumikha ng mga bagong posisyon sa loob ng kanyang ahensya at magtalaga ng mga bagong empleyado nang walang pag-apruba mula sa poll body.

Kasama rin sa reklamo ang chief of staff ni Mamondiong na si Atty. Manggay Guro Jr., at NCMF Executive Director Tahir Lidasan Jr.

Sinabi ng Comelec na si Mamondiong ay inakusahan ng pagbuo ng posisyon ng Assistant Bureau Director, Assistant Regional Director, at Assistant Service Directors, at nagtalaga para punan ang posisyon nang hindi kumukuha ng kinakailangang exemptions ng Comelec.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, hindi maaring magtalaga ang isang opisyal ng gobyerno ng bagong empleyado o lumikha ng mga bagong posisyon sa loob ng 45 araw bago ang regular na halalan at ang 30 araw bago ang isang espesyal na halalan.

Pahihintulutan lamang ang naturang hakbang kung mapapatunayang mahalaga ang posisyong pupunan at hindi makakaimpluwensya sa halalan ang paraan kung paano gagawin ang appointment.

Kailangan din ng prior approval ng Comelec

Sa pagbanggit pa rin ng reklamo, sinabi ng Comelec na maagang tinanggal ni Mamondiong ang mga kontrata ng mga job order employees, lahat ay may takdang panahon hanggang katapusan ng taon, pagkatapos ay kukuha ng mga bago.

“The NCMF secretary reportedly replaced incumbent heads of offices and appointed their replacements,” dagdag pa

Inulit ng Comelec ang panawagan nito sa lahat ng opisyal at ahensya ng gobyerno na mahigpit na sumunod sa mga panuntunan sa halalan, nagbabala na ang mga paglabag ay may parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon. Nangako itong maging “patas ngunit mahigpit” sa pagpapatupad ng mga batas.

Isa sa inirereklamong opisyal ng NCMF ang naninindigan na walang ktutuhanan ang alegasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden