Nelson Celis bagong Comelec commissioner

August 15, 2022 @6:00 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Nelson Java Celis bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ibinahagi ni Comelec chairperson George Garcia ang appointment paper ni Celis.
Ipinaliwanag ni Garcia na natanggap ni Celis ang regular appointment na nangangahulugan na ang huli “cannot assume yet until confirmed.”
Ipagpapatuloy ni Celis ang unexpired portion ni dating Comelec Commissioner Aimee Torrefrana-Neri. Mauupo siya bilang Comelec commissioner hanggang Pebrero 2, 2029, base kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco.
Batay sa profile ni Celis, siya ay isang electronics and communications engineer na may 41 taong karanasan sa information technology and management.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa Don Bosco Technical College.
Nakakuha rin si Celis ng doctoral degree sa business administration sa De La Salle University.
Eksperto siya sa corporate governance, IT governance, strategic management, risk management, information security management system, business process management, systems audit, project management, business continuity management, at event management. RTN/SA
Munti Mayor Biazon nasapul ng COVID

August 15, 2022 @5:55 PM
Views:
5
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon nitong Agosto 15 na nagpositibo siya sa COVID-19 kung kaya’t hindi siya nakarating sa nakatakdang lingguhang flag-raising ceremony na karaniwang ginaganap sa Muntinlupa City hall quadrangle.
Base sa kanyang opisyal na Facebook page post, sinabi ni Biazon na sa paggising ay naging masama na kanyang ang pakiramdam na may sipon, sore throat at may lagnat.
“Paggising ko ngayong umaga, mayroon akong sipon, konting pangangati ng lalamunan at low-grade fever,” ani Biazon.
“Bagaman naging busy ang aking schedule nitong mga nakaraang linggo mula nang ako ay maupo bilang Mayor, at baka dala lang ito ng pagod, minabuti ko na magpa-test ulit para sa Covid-19 dahil lumalaganap ang mga cases,” ani pa ni Biazon na nagsabing nito lamang Agosto 11 (Huwebes) ay nag patest na rin siya ngunit ito ay naging nagatibo.
“Lumabas na Covid positive ako. Maliban sa nasabing mild symptoms, maayos naman ang aking kalagayan,” ani pa ng alkalde.
Sa kabila ng kanyang paglalagay sa sarili sa isolation ay patuloy ang kanyang komunikasyon sa mga opisyal ng city hall para sa tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo sa kanyang mga konstituwente.
Si City Administrator Allan Cachuela ang pansamantalang magus-supervise ng pang araw-araw na operasyon sa city hall habang si Biazon na naka-quarantine ay nagsabing kung kailangng-kailangan ang kanyang personal na atensyon ay kaya niya itong gawin kahit pa siya ay pansamantalang nasa home isolation lamang.
“Kinalulungkot kong sabihin na lahat ng aking appointments ngayong linggo ay cancelled na habang ako ay naka-isolate,” ani pa Biazon.
Ayon kay Biazon, sa kanyang pagkapositibo sa COVID-19 ay hindi naman nahawahan ang kanyang asawang si Trina gayndin ang kanyang mga anak at kasamahan sa bahay na nagnegatibo sa COVID-19 test dahil mahigp[ti ang kanilang pagpapatupad ng protocols sa kanilang tahanan.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Biazon ang publiko na sundin ang health protocols kabilang ang pagsusuot ng face masks, disinfection o hand-washing, at umiwas sa mga matataong lugar o aktibidad. James I. Catapusan
Vergeire: Daily average ng COVID vases sumampa na sa halos 4,000

August 15, 2022 @5:46 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Pumapalo na sa halos 4,000 ang average na arawang bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa, ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.
Mula Agosto 3 hanggang 9, ang daily reported infections ay may average na 3,993 ang bilang na ito ay mas mataas ng 12 porsyento kumpara sa average noong nakaraang linggo.
“Nationally, [COVID-19] cases continue to increase, now averaging at 3,993 cases per day in the recent week,” aniya sa Senate committee hearing on health and demography.
“Note that the seven-day moving average is almost twice the cases we reported less than a month ago at 2,258 cases per day,” dagdag niya.
Sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga impeksyon, nananatili ang Pilipinas sa low risk para sa COVID-19, base kay Vergeire. RNT/SA
Pinas nakapagtala ng 28,008 bagong COVID cases mula Agosto 8-14

August 15, 2022 @5:44 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala pa ng 28,008 na bagong kaso mula Agosto 8 hanggang Agosto 14.
Sa lingguhang case bulletin, sinabi ng DOH na ito ay 3 porsyentong mataas kumpara sa 27,331 kaso na naitala naman mula noong Agosto 1 hanggang Agosto 7.
Ang daily average ay tumaas din sa 4,001 mula sa nakaraang 3,904.
Mayroon ding 229 karagdagang pagkamatay, 98 dito ay nangyari noong Agosto, 129 noong Hulyo, isa noong Hunyo, at isa noong Setyembre 2021 ayon pa sa DOH.
Ipinakita rin ng datos na 822 malubha at kritikal na mga kaso ang kasalukuyang tinatanggap o 9.6% ng kabuuang COVID-19 admission.
Samantala, sa 2,571 intensive care unit (ICU) beds, 719 o 28% ang okupado habang 6781 o 30.9% ng 21,968 non-ICU CoVID-19 beds ang ginagamit.
Dagdag pa ng DOH, may 101 bagong severe at critical cases .Ito ay 0.36% ng bagong kaso na iniulat ngayong linggo.
May kabuuang 72,107,090 indibidwal o 92.33% ng target na populasyon ng gobyerno ang ganap na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19.
Sa bilang na ito, 208,369 ang nabakunahan mula Agosto 8 hanggang Agosto 14.
Samantala, hindi bababa sa 6.7 milyong senior citizen, o 77.96% ng target na populasyon ang nakatanggap din ng kanilang pangunahing serye ng bakuna.
Nabatid din ng DOH na 17,015,413 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot kung saan, 412,316 ang nakatanggap ng noong nakaraang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden
‘Outdated, pricey’ laptops probe ipinag-utos ni VP Sara

August 15, 2022 @5:33 PM
Views:
17