NCR Alert Level 2 sa Pebrero, maaga pa para ideklara – DOH

NCR Alert Level 2 sa Pebrero, maaga pa para ideklara – DOH

January 22, 2022 @ 3:23 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Masyado pang maaga para sa Department of Health (DOH) na sabihin kung ibababa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 sa darating na Pebrero.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng maganap ang peak ng COVID surge sa katapusan ng Enero o gitna ng Pebrero.

Habang inaasahan ding dodoble ang aktibong kaso ng COVID sa Metro Manila sa ikalawang linggo ng pebrero.

 “It’s too early to declare or to say to our people that we will shift or de-escalate to Alert Level 2,” ani Vergeire.

Samantala, kahit pa aniya bumababa ang bilang ng kaso sa rehiyon, dapat pa ring ikonsidera na hindi lahat ng sumasailalim sa antigen testing ay nairereport sa DOH.

“So we are closely monitoring… sa ngayon hindi pa masasabi if we can de-escalate by the middle of February dito sa NCR.” RNT/FGDC