NCR, alert level 4 mula Setyembre 16 – Año

NCR, alert level 4 mula Setyembre 16 – Año

September 14, 2021 @ 8:33 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isinailalim ang National Capital Region sa Alert Level 4 simula Setyembre 16, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, Martes.

Ito na ang pagsisimula ng pagpapatupad ng bagong quarantine classifications o granular lockdowns sa gitna ng pandemya.

“Alert Level 4 ang ipapatupad sa NCR, ani Año sa Unang Balita.

Dagdag pa ng kalihim na nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magpatupad na lang ng iisang alert level.

Sa NCR, limang syudad ang ikinokonsiderang Alert Level 5. Dalawa ang Alert Level 3, pero karamihan ay nakasailalim sa Alert Level 4.

Ang Alert Level 4 ay ang ikalawa sa pinakamahigpit na level sa bagong polisiya kung saan ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay mataas at patuloy na tumataas habang ang total beds at ICU beds ay high risk na.

Hindi papayagang lumabas sa Alert Level 4 ang 18-anyos pababa, 65 anyos pataas, may sakit, buntis.

Makalalabas lang sila kapag essential ang kanilang gagawin tulad ng pagbili ng pagkain, gamot, at iba pa.

Bawal ang intrazonal at interzonal travel, habang pwede ang pag-eehersisyo sa lahat sa nasasakupang lugar nga lang, habang pwede na rin ang outdoor o al fresco dine-in services sa 30% kapasidad para sa kahit sino kahit hindi bakunado, habang ang indoor dine-in services ay papayagan din naman sa 10% venue/seating capacity para lang sa mga kumpletong bakunado. RNT


  •  
  •  
  •