NCR areas na naka-lockdown 125 na lang – PNP

NCR areas na naka-lockdown 125 na lang – PNP

October 13, 2021 @ 6:06 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bumaba na sa 125 ang bilang ng naka-granular lockdown sa National Capital Region mula sa 131, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, naka-lockdown dito ang 83 barangay sa Metro Manila.

Kasama na rito ang 72 bahay; 24 subdivisions;18 residential buildings, ; anim na kalsada; at residential building floor.

Upang matiyak naman ang seguridad, nagpakalat ang PNP ng 420 personnel at 485 force multipliers sa mga nasabing lugar. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •