NCR at 47 iba pa, Alert Level 1 na simula Marso 16

NCR at 47 iba pa, Alert Level 1 na simula Marso 16

March 15, 2022 @ 6:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Inilagay ng Inter-Agency Task Force ang National Capital Region (NCR) kasama ang 47 iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1, epektibo bukas, Marso 16 hanggang Marso 31, 2022.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 para sa Luzon ay ang: Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan;

Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino;
Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales;
Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City;
Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at
Region V: Naga City at Catanduanes.

Samantala, para sa Visayas, ang mga sumusunod na lugar ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 1:
Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City;
Region VII: Cebu City at Siquijor; at
Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.

At ang panghuli, para sa Mindanao ay ang mga sumusunod:

Region IX: Zamboanga City;
Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin;
Region XI: Davao City; at
CARAGA: Butuan City

Ang mga lugar na hindi binanggit sa listahan ay mananatili sa Alert Level 2 hanggang sa katapusan ng Marso. KRIS JOSE