NCR, C. Luzon, 10 lugar uulanin sa LPA

NCR, C. Luzon, 10 lugar uulanin sa LPA

August 5, 2022 @ 6:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Namataan ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa ibabaw ng baybayin ng Calauag, Quezon, nitong alas-3 ng madaling araw ng Biyernes, iniulat ng PAGASA.

Bunsod nito, ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at mainland Cagayan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA at habagat na may posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized na pagkidlat-pagkulog na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:40 a.m.,at lulubog ito ng 6:24 p.m. RNT