NCR, Cavite, Rizal ‘moderate risk’ na sa COVID-19 –OCTA

NCR, Cavite, Rizal ‘moderate risk’ na sa COVID-19 –OCTA

January 30, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba na sa ‘moderate’ risk classification sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), Cavite, at Rizal, ayon sa independent monitoring group OCTA Research, Linggo.

Sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay 23.01; 20.30 sa Cavite, habang sa Rizal ay 15.09.

Tumutukoy ang ADAR sa naitatalang average number na bilang ng bagong kaso sa bawat 100,000 tao.

Sa kabilang banda lumapag sa -68% ang COVID-19 case growth rate sa Metro Manila, habang sa Cavite at Rizal ay nakapagtala ng -65% at -66% base sa pagkakasunod.

Maging ang reproduction rate ng virus sa tatlong lugar ay bumaba rin: NCR sa 0.47, Cavite sa 0.69, at Rizal sa 0.54.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa nahahawaan kada isang kaso. Ang rt na mas mababa sa 1 ay itinuruting na nagpapakita ng mabagal nahawaan sa isang lugar.

Sa kabilang banda, iginiit ni David na ang Batangas, Laguna, at Quezon ay ‘high risk’ pa rin sa COVID-19. Pawang magkakatabi lang ang mga lugar na ito. RNT