NCR college stude nangangailangan ng P9,900 kada buwan

NCR college stude nangangailangan ng P9,900 kada buwan

September 18, 2022 @ 2:11 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – P9,900!

Halos ganito kalaking halaga ang kinakailangan ng isang estudyante sa kolehiyo para disenteng makapamuhay sa Kamaynilaan sa isang buwan, ayon sa isang grupo.

Ayon sa consumer group na Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan o SUKI ang mga estudyanteng nag-aaral sa state university o pampublikong kolehiyo ay nangangailangan ng P9,900 para sa mga gastusin nito sa isang buwan.

Dagdag pa ni Louie Montemar, SUKI convener, na kasama na rito ang budget sa transportasyon, pagkain at upa sa tirahan.

Aniya, maging mga mag-aaral ay apektado sa inflation o pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. RNT