NCR COVID-19 positivity rate bahagyang bumaba – OCTA

NCR COVID-19 positivity rate bahagyang bumaba – OCTA

November 14, 2022 @ 5:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bahagyang bumaba ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region hanggang nitong Sabado, ayon sa independent group na OCTA Research nitong Lunes.

Mula sa 8.2% positivity rate noong Nobyembre 5, bumaba ang rate sa 7.5% noong Nov. 12, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa post sa Twitter.

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa test.

Bumaba rin ang nasabing rate also sa Batangas, Cavite, Davao del Sur, Iloilo, Misamis Oriental, Rizal, South Cotabato, at Zambales, base sa OCTA.

Subalit, tumaas ito sa Cagayan, Camarines Sur at Pampanga.

Ayon sa datos na ibinahagi ng OCTA Research, narito ang positivity rates hanggang nitong Nov. 12 batay sa impormasyon mula sa Department of Health:

  • NCR: 7.5% (from 8.2% on Nov. 5)

  • Aklan: 36.3% (from 33.2% on Nov. 5)

  • Bataan: 14.3% (from 13.1% on Nov. 5)

  • Batangas: 6.3% (from 7.3% on Nov. 5)

  • Benguet: 32% (from 33% on Nov. 5)

  • Bulacan: 6.4% (from 6% on Nov. 5)

  • Cagayan: 14.2% (from 8.4% on Nov. 5)

  • Camarines Sur: 33.3% (from 29.8% on Nov. 5)

  • Cavite: 10.1% (from 13% on Nov. 5)

  • Cebu: 11.6% (from 10.8% on Nov. 5)

  • Davao del Sur: 8.7% (from 15.3% on Nov. 5)

  • Iloilo: 10.2% (from 12.6% on Nov. 5)

  • Isabela: 44.1% (from 43.9% on Nov. 5)

  • La Union: 15.8% (from 15.1% on Nov. 5)

  • Laguna: 14.4% (from 13.7% on Nov. 5)

  • Misamis Oriental: 24.6% (from 28.8% on Nov. 5)

  • Negros Occidental: 14.8% (from 14.9% on Nov. 5)

  • Pampanga: 11.2% (from 9.6% on Nov. 5)

  • Pangasinan: 14.0% (from 14.3% on Nov. 5)

  • Rizal: 10.3% (from 14.5% on Nov. 5)

  • South Cotabato: 8.2% (from 12.7% on Nov. 5)

  • Tarlac: 30.3% (from 31.1% on Nov. 5)

Zambales: 7.6% (from 11.3% on Nov. 5). RNT/SA