NCR COVID-19 positivity rate bahagyang bumaba sa 12.1% – OCTA

NCR COVID-19 positivity rate bahagyang bumaba sa 12.1% – OCTA

September 6, 2022 @ 3:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang positivity rate, sa National Capital Region (NCR) sa 12.1 porsyento hanggang nitong Setyembre 3, ayon sa OCTA Research Group nitong Martes.

Inihayag ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na mas mababa ito ng 0.8 porsyento mula sa nakaraang 12.9 porsyentong positivity rate hanggang nitong Agosto 27.

“Very high positivity rate still observed in Albay, Camarines Sur, Nueva Ecija, Tarlac,” aniya.

Ang positivity rate naman sa mga sumusunod na probinsya ay mahigit 20 porsyento– Albay, 32.2 porsyento; Camarines Sur, 33.5 porsyento; Nueva Ecija, 31.8 porsyento; at Tarlac, 22.5 porsyento.

Bumaba naman ang positivity rates sa Bataan, Batangas at Pangasinan sa mas mababa sa 10 porsyento.

Hanggang nitong Setyembre 3, ang positivity rate ng Bataam ay 6.6 porsyento; Batangas, 9.2 porsyento; at Pangasinan, 8.9 porsyento. RNT/SA