NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 10% – OCTA

NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 10% – OCTA

October 31, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 10%, habang tumaas naman ito sa anim na lugar, ayon sa datos ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Lunes.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate — o porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa  COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa test — sa NCR ay bumama sa 10% nitong Oktubre 29, mula sa 12.3% noong Oktubre 22.

Gayundin, bumaba ang positivity rates sa iba pang lugar gaya ng Aklan, Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Davao del Sur, La Union, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Rizal, South Cotabato, Tarlac, at Zambales.

Subalit, umakyat ang positivity rate sa anim na lugar sa bansa mula Oktubre 22 hanggang 29. Kabilang dito ang Benguet, Cebu, Iloilo, Isabela, Misamis Oriental at Negros Occidental.

Nakapagtala sa Pilipinas nitong Linggo ng 1,370 bagong COVID-19 cases dahilan upang pumalo sa 20,824 ang aktibong kaso ng virus. RNT/SA