NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 9.1% sa pagtatapos ng taon – OCTA

NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 9.1% sa pagtatapos ng taon – OCTA

January 2, 2023 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mas mababa sa 10 porsyento ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng 2022, ayon sa pinakabagong datos ng independent monitoring group OCTA Research.

Sa tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate — o porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga tinest — sa NCR, ay bumaba mula 11.6% noong December 24 sa 9.1% nitong December 31.

Bumaba rin ang positivity rates sa ilang lalawigan sa Luzon kabilang ang Albay, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Laguna, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Pinakamababa ang positivity rate sa Bulacan sa 4.4%, mula sa 9.2%.

Subalit, nakapagtala sa Bataan at Benguet ng pagtaas mula December 24 hanggang December 31.

Gayundin, tumaas ito sa Isabela, mula sa 21.2% sa 37.6% sa parehong period. RNT/SA