NCR COVID-19 positivity rate bumagal nang bahagya –OCTA

NCR COVID-19 positivity rate bumagal nang bahagya –OCTA

January 11, 2022 @ 8:21 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nakahinga ng bahagya ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region matapos na bumagal ito nang kaonti, ayon sa OCTA Research.

Nauna nang iniulat ng OCTA ang pagtaas sa 52% ng positivity rate sa NCR, mula sa dating 50.5%.

Dahil dito, sinabi ng grupo na maaaring indikasyon na ito na ang COVID-19 surge sa bansa ay “close to peaking,” o malapit na sa sukdulan.

“‘Yong ‘pag slow down ng positivity rate in NCR could mean we may be close to peaking, in getting to the peak in NCR,” ani OCTA fellow Dr. Guido David.

Pero iginiit niya na posibilidad lang naman ito.

“But could lang ‘yan. It’s just a possibility, no guarantee. We still have to wait for the trends in the next few days,” paglilinaw pa ni David.

Sa pagtataya rin ni David, maaaring umabot sa 35,000 ang kaso ng COVID-19 ngayong linggo, kung saan 20,000 ang magmumula sa NCR.

“It follows the South Africa experience, mabilis din ang pagbaba ng cases. Maybe by the end of January mababa na. Again, that is not something we can guarantee. We’re just comparing it from the experience of South Africa,” dagdag pa niya.

“Kung magpatuloy na tumaas ang NCR, most likely we’ll hit 40,000 but there is a chance na it will be peaking soon so baka hindi natin maabot ‘yong 40,000 kasi a lot of it depends on NCR because most of the cases come from NCR,” ani David. RNT