NCR COVID-19 positivity rate pumalo sa 11.5% – OCTA

NCR COVID-19 positivity rate pumalo sa 11.5% – OCTA

July 14, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umakyat ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 11.5%, kung kaya posibleng sumampa sa 1,000 ang mga bagong kaso ngayong Huwebes, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate sa NCR ay tumaas sa 11.5% mula sa 10.9% nitong Hulyo 9.

“A look at the plot of new COVID-19 cases in the NCR as of July 13, 2022 shows that the trend may have already peaked. However, the positivity rate increased to 11.5% (from 10.9% as of July  9), and this could lead to more than 1000 new cases in the NCR on July 14,” ani David.

“If cases do increase, we still expect the peak to happen soon, unless the wave becomes prolonged,” dagdag niya.

Inilahad din niya na bumaba ang reproduction number ng NCR sa 1.36.

Subalit ang NCR hospitalization rate ay tumaas sa 30.2%, kung saan 1,856 hospital beds ang okupado.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes na posibleng tumaas ang hospital utilization rate sa pagtatapos ng Agosto o pagpasok ng Setyembre dahil sa COVID-19 infections. RNT/SA