NCR COVID-19 reproduction number, 0.63 na lang – OCTA

NCR COVID-19 reproduction number, 0.63 na lang – OCTA

January 27, 2022 @ 9:56 AM 8 months ago


MANILA, Philippines-  Bumaba pa sa 0.63 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR), habang maraming syudad sa rehiyon ay bumaba rin sa “moderate risk,” ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David.

Sa tweet ni David sinabi niya na maaaring bumaba na lang sa 500 ang maitatalang COVID-19 cases sa NCR sa Pebrero 14.

“2455 new cases in the NCR today 01/26/22. Actuals still tracking below projections. The target now is below 500 new cases by Feb 14. Reproduction number is down to 0.63 in NCR,” ani David.

Nauna nang iniult ni David na nasa 0.71 ang reproduction number sa capital region.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng taong nahahawaan ng virus kada isang kaso. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapakita ng mabagal na hawaan.

Sa hiwalay naman na tweet ni David, sinabi niya na ang Caloocan, Navotas, Malabon, Valenzuela at Manila ay bumaba na sa “moderate risk,” habang ang nalalabing syudad sa NCR ay “high risk.” RNT